"She's Dating the Gangster"
Ang kuwentong "She's Dating the Gangster" ay isang pelikula galing sa isang nobela na isinulat ni Bianca Bernardino. Naging isa itong pelikula nuong taong 2014 sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina na pinagbibidahan ng isa sa pinakasikat na "loveteam" ngayon sa ating bansa, ang KathNiel Kathryn Bernardo bilang si Athena Dizon( Dawn Zulueta) at Daniel Padilla Kenji Delos Reyes (Richard Gomez). Pumatok ang pelikulang ito lalong-lalo na sa mga kabataan dahil sa kagandahan ng kuwento.
BUOD NG KUWENTO:
Nagsimula ang kanilang kuwento nang magpanggap ang gangster na si Kenji at ang simple pero palaban na babae na si Athena bilang magkasintahan dahil sobrang nasaktan si Kenji sa nangyaring hiwalayan nila ng kanyang dating kasintahan na si Abigail, nais niya itong pagselosin upang bumalik ito sa kanya ngunit hindi niya alam na iniwanan lamang siya ng babae dahil sa sakit nitong kanser. Hindi kalaunan ay nahulog din ang loob nila sa isa't-isa at itinigil na ang pustahan.
Naging masaya naman sa una ang kanilang relasyon ngunit nung malaman ni Kenji ang tungkol sa sakit ng kanyang dating kasintahan ay naguluhan siya sa kanyang nararamdaman, palagi niyang inuuna si Abigail dahil hindi niya alam na may itinatago din palang sakit si Athena, sakit sa puso, nagalit ang mga magulang ni Athena kay Kenji dahil siya ang sinasabi nitong dahilan kung bakit hindi na umiinom ng gamot ang dalaga, nais nilang ilayo si Athena kay Kenji ngunit talagang matindi ang pagmamahal nila sa isa't isa.
Sa huli, nagpakasal silang dalawa kahit na walang kasiguraduhan kung hanggang kailan itatagal ang buhay ni Athena. Maagang nawala si Athena at dahil sa sobrang kalungkutan binawi ni Kenji ang sarili niyang buhay.
SURI SA PELIKULA:
- PRODUKSIYON: Maganda ang pagkakagawa ng buong pelikula. Ang mga artista ay napakagaling umarte at bagay na bagay sa kanila ang istorya. Ang pananamit ay angkop na angkop rin mula sa mga pang 90's na kasuotan hanggang sa makabagong kasuotan.
- SETTING: Wala akong masabing hindi maganda sa pelikula subalit pulidong pulido. Magaganda ang mga pinagkuhanan ng lugar. Ngunit yung huling tagpo kung saan muling nagkita si Athena at Kenji ay hindi ako sigurado kung tunay ba iyong o hindi.
- CINEMATOGRAPHY: Kahit na maraming nabago sa istorya, ang leksiyon na ibinigay nito sa ating mga puso ay naroroon parin, maraming binago ngunit mas napaganda pa nito ang kuwento. Pati narin ang mga anggulo ng pinagkuhanan ng bawat eksena ay sobrang ganda.
- MUSIKA: Ang musika ang isa sa mga dahilan kung bakit nagustuhan ko ang kuwento. Nagdagdag ito nga kulay sa pelikula. Nakakaiyak, nakakakilig, nakakatuwa.
Comments
Post a Comment